Infra at water projects sa buong Cebu, pansamantalang ipinatigil ng gobernador

Naglabas ng memorandum si Cebu Governor Pamela Baricuatro upang ipatigil ang 154 infrastructure at water projects sa buong lalawigan.

Kaugnay ito ng gagawing review at audit sa mga proyekto upang matiyak na ang mga ito ay sumusunod sa procurement law at ibang regulasyon ng gobyerno.

Sakop ng kautusan ang konstruksyon ng mga kalsada, gusali, at waterworks.

Bagama’t aminado si Baricuatro na magreresulta sa pagkaantala ng mga proyekto ang kaniyang kautusan, kinakailangan aniya itong gawin upang masiguro na nagagamit nang tama at sa legal na pamamaraan ang pondo ng gobyerno.

Facebook Comments