Mas malaki ang halaga ng ilalaang pondo ng ARMM government mula sa 2018 infrastructure budget nito para sa paggawa ng mga kalsada sa buong rehiyon.
Ang road projects ay tinatayang nagkakahalaga ng P6.889 billion o 68% ng kabuuang P10.103 billion budget sa ilalim ng infrastructure program ng rehiyon sa taung ito.
Ang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-ARMM ngayong 2018 para sa infrastructure budget ay sasaklaw sa 472 projects, kabilang dito ang 40 seaports, 86 water supply systems, 39mga tulay, 17 flood control structures, 20 drainage systems 32 iba pa.
Sinabi ni DPWH-ARMM secretary Engr. Don Mustapha Loong, 238 road projects na may total length na 361.65 kilometers ang popondohan ngayong taon.
Sa pagtaya ng ahensya, kabuuang 1,922.982 kilometers ng kalsada ang nasemento sa buoang ARMM mula 2012 hanggang 2017.
Noong Disyembre ng nakaraang taon, gawa na ang 1,334 kilometers, samantalang nagpapatuloy pa ang konstruksyon sa 420.356 kilometers ng road concreting projects.
Infra projects, bubuhos sa ARMM ngayong 2018!
Facebook Comments