Malaki ang kapakinabangan ng mga residente at mag-aaral sa Panglima Estino, Sulu sa infrastructure projects na isinalin na ng ARMM government sa kanilang pangangalaga.
Kahapon nang pangunahan mismo ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang turnover ceremony ng Sagay-Sagay Water Supply System Level II o communal faucet units at school building sa Panglima Estino National High School.
Ang naturang high-impact infrastructure projects ay matatamasa ng mga taga Panglima Estino.
Mayroon na sila ngayong malinis na maiinom na tubig mula sa deep wells at water pumps.
Samantala, ang isang unit ng gusali na may anim na silid-aralan sa Panglima Estino National High School ay magsisilbi rin sa senior high school students.
Ang ARMM sa ilallim ng Hataman administration ay nakapagbuhos na ng P323.77M na halaga ng infrastructure projects sa Panglima Estino mula noong 2012. (photo credit:bpiarmm)
Infra projects para sa mga taga Panglima Estino, Sulu!
Facebook Comments