Isinasagawa na ang tatlong road projects na layong mapabuti ang road network sa Marawi City.
Ang 2.85 kilometer section ng Maul Lumbaca Ingud – Ranao Alternate Bypass Road ay kasalukuyang isinasaayos at isinasailalim sa rehabilitasyon.
Kasalukuyang nasa 89.16% na itong tapos.
Ang road project, ay tumatagos sa Barangay Maul, Marantao hanggang Marawi-Cotabato, at ikokonekta sa Marawi City Diversion Road sa Sagonsongan sa pamamagitan ng Marawi Transcentral Road.
Itinatayo na rin ang 5.2 kilometer road sa Pantar, Lanao del Norte patungong Marawi City, ito ay two-lane road project kabilang ang 16-linear meter Lilod Guimba Bridge sa bahagi ng Kurmatan-Matampay Road.
Sumasailalim din sa reconstruction, repair at widening ang Agus Pumping Bridge na 52.3% nang tapos.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, ang pagtatayo ng pumping bridge ay malaking hamon dahil sa right-of-way issues.
Samantala, isang four-storey school building na may 20 silid-aralan sa Barangay Moncado Kadingilian ay under construction at 30.4% ng kumpleto at inaasahang matatapos sa Abril ng susunod na taon.