Mas ipaprayoridad ngayon ng Marcos administration ang infrastructure development sa ilalim ng Build Better More Flagship Program para makamit ang mas masagana at maunlad na Pilipinas pagsapit ng taong 2040.
Ito ang inihayag ng pangulo sa opening remarks sa high-level dialogue patungkol sa investing in infrastructure for resilience kasabay ng pagkilala sa tulong ng mga private sector para matupad ang mga planong ito.
Aniya, inaasahan niyang sa taong 2023 ay tataas sa nasa 7 percent ang economic growth rate ng Pilipinas.
Sa dialogue, binigyang diin din ng pangulo na kinilala ng Pilipinas ang kahalagahan na ma-mitigate ang epekto ng climate change para sa pag-angat ng ekonomiya.
Bilang pagkilala naman sa role ng private sector partners, sinabi ng pangulo sa one on one dialogue na kamakailan lang ay nagkaroon ng amendments sa Build-Operate-Transfer (BOT) Law na layong masolusyunan ang mga concern may kinalaman sa financial viability at bankability ng Public-Private Partnership.
Sinabi ng pangulo, layunin nitong mapaangat pa ang tiwala ng mga investor.