INFRASTRUCTURE PROGRAM | Pilipinas, magiging middle-income country sa katapusan ng 2019 ayon sa NEDA

Manila, Philippines – Maaring maging middle-income country ang Pilipinas sa katapusan ng 2019.

Paliwanag ng National Economic and Development Authority (NEDA), bunsod ito ng malakas na infrastructure program ng Duterte Administration.

Ayon kay NEDA Undersecretary for Policy and Planning Rosemarie Edillon, plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumastos ng walong trilyong piso para pagandahin at i-modernisa ang mga imprastraktura ng bansa.


Sa report ng NEDA, maabot ng Pilipinas ang middle-income standard definition ng hindi lalampas ng 4,000 dollars o 208,178 pesos na income bawat indibidwal.

Nalampasan din ng Pilipinas ang target 4.5% gross national income per capital growth rate na nasa 4.8%.

Facebook Comments