INFRASTRUCTURE PROJECTS | Sec.Villar tanggap ang pag-pressure sa kanya ni PRRD

Manila, Philippines – Hindi iniinda ni Public Works Secretary Mark Villar ang pressure mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na nababagalan sa mga infrastructure projects ng pamahalaan sa buong bansa.

Matatandaan na sa nakalipas na cabinet meeting sa Malacañang ay pinuna ni Pangulong Duterte si Villar dahil sa mabagal umanong usad ng ilang nalinyang proyekto sa ilalim ng Build-Build-Build program ng pamahalaan.

Ayon kay Villar sa naganap na Economic Briefing sa Malacañang kanina, nakausap na niya si Pangulong Duterte ay naipaliwanag na niya dito ng mga dahilan kung bakit nababala ang ilang proyekto ng pamahalaan.


Ilan aniya sa mga dahilan ay ang pagkuha ng mga kinakailangang permit para sa mga proyekto, pati na rin ang land dispute issues o ang issue ng right of ways.

Pero sinabi ni Villar na malaki ang maitutulong ng kapapasa pa lamang na batas na ease of doing business dahil mas mapadadali ang pagkuha ng mga kinakailangang permit mula sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan.

Facebook Comments