Lumobo ang infrastructure expenditure o ang nagastos ng pamahalaan sa imprastraktura noong 2023.
Ayon sa Department of Budget of Management (DBM), umakyat sa P1.02 trillion ang infrastructure spending ng gobyerno mula January hanggang November 2023.
Higit na mas mataas ito sa P861.8 billion na nagastos noong 2022 ng kaparehong panahon, o katumbas ng P159.8 billion o 18.5% na pagtaas.
Kabilang sa mga binuhusan ng pondo ang konstruksyon, rehabilitasyon, pagku-kumpuni ng mga kalsada at tulay at pagsisimula ng foreign-assisted projects sa rail transport.
Samantala, sinabi naman ng DBM na mahalaga ang government spending sa paglago ng ekonomiya at sa pangkabuuang national growth.
Facebook Comments