Infrastructure transparency dashboard na ilulunsad para sa DA at NIA, magpapalakas sa mga proyekto ng mga nasa agriculture sector

Kumpyansa si Senator Kiko Pangilinan na matitiyak ang pagpapatupad ng mga proyekto para sa mga magsasaka, mangingisda at rural communities sa isinusulong ng senador na mga bagong reporma sa Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA).

Kaugnay ito sa infrastructure transparency dashboard na ilulunsad ng dalawang ahensya kung saan dito ay maaaring i-verify ang budget at timeline ng bawat farm-to-market roads na pinagagawa.

Ayon kay Pangilinan, mas madali nang makikita ng mga tao kung saan napupunta ang pera nila, patunay ng good governance at transparency.

Mayroon ding ilulunsad na participatory audit program ang Commission on Audit (COA) para mabigyan ang publiko ng real-time monitoring ng mga proyekto.

Nakasisiguro si Pangilinan na kapag may pagtaya at may pananagutan ay maayos na magagawa ang mga proyekto at hindi masasayang ang pondo.

Facebook Comments