INGATAN | Makabayan, hiniling sa pamahalaan na pa-escortan sa PCG ang mga mangingisda sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Hiniling ng Makabayan kay Pangulong Duterte na bigyan ng escort ang mga mangingisda sa West Philippine Sea dahil sa nararanasang pambu-bully at pagpapalayas mula sa mga Chinese coast guards.

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, hindi sapat na kinondena at nagalit ang Pangulo sa pagpapalayas na ginawa ng mga Chinese sa ating mga mangingisda sa Bajo de Masinloc at pagkumpiska pa sa kanilang mga nahuling isda.

Hamon ni Zarate, pa-escortan na ng gobyerno sa Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc at sa ibang teritoryo sa West Philippine Sea.


Dapat lamang aniyang ipakita sa China na nakahanda at seryoso ang Pilipinas na protektahan ang mga Pilipinong mangingisda at ang ating teritoryo.

Kailangan aniyang ipakita ng mga opisyal ng pamahalaan na iginigiit natin ang independence ng bansa at hindi ang Pilipinas pa ang yumuyukod at nagso-sorry sa China.

Facebook Comments