Quezon City – Inggit ang nakikitang dahilan ng pamilya ng babaeng pinatay sa Barangay Novaliches proper sa Quezon City.
Ayon sa ina ng biktima, posibleng ipinapatay si Maricar Dela Cruz dahil marami ang naiingit sa kanya lalo’t nakaka-angat siya sa buhay.
Pero aminado din siya na dating gumagamit ng iligal na droga ang biktima.
Si Dela Cruz ay nasawi matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem.
Blanko pa rin ang pulisya sa motibo ng krimen.
Facebook Comments