Inhinyero, Sugatan Matapos Maaksidente

28

Cauayan City, Isabela- Sasampahan ngayong araw, Setyembre 4, 2020 sa pamamagitan ng inquest proceedings ang isang nakabangga sa isang Engineer mula sa barangay Centro 2, Angadanan, Isabela.

Ang biktima na si Engr. Joel Alog Jr, 29 taong gulang na residente ng brgy Centro 2 ay isinugod kagabi sa isang pribadong pagamutan sa Lungsod ng Cauayan matapos mabangga ang minamanehong motorsiklo ng isang Virgilio Jose, 21 taong gulang at residente ng Sipat St, District 3, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng FL Dy Street patungong South Direction habang ang suspek ay papuntang Silangang direksyon.

Nang makarating sa corner ng FL Dy at Bucag Street ang suspek ay nasalpok nito ang motorsiklo ng biktma.

Nagtamo ng sugat sa mukha at katawan ang biktima na agad namang dinala ng Rescue 922 sa ospital para mabigyan ng atensyong medikal.

Dinakip naman ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments