INIALIS | 6 na pamilya, inilikas matapos gumuho ang gilid ng Paltok creek sa Brgy. Commonwealth QC

Quezon City – Inilikas ang anim na pamilya matapos gumuho ang lupa sa San Pascual at San Roque streets sa nabanggit na barangay.

Sa gitna ng Kasagsagan ng tuloy tuloy na pag-ulan noong Lunes ng gabi nang unang gumuho ang bahagi ng San Pascual Street at sinundan pa ng muling pagguho kinabukasan.

Halos sumamang gumuho sa malalim na bahagi ng Paltok Creek ang isang apat na palapag ng bahay.


Mga pananim na saging ang iniagos ng malakas na pagragasa ng tubig.

Ayon kay Brgy. Commonwealth Chairman Manuel Co, sa araw pa ng Lunes tuluyang malalagyan ng retaining wall ang gumuhong bahagi ng gilid ng creek katuwang ang city government.

Dahil sa banta ng panganib sa mga residente sa lugar ay inilikas muna sa isang evacuation center ang apektadong pamilya.

Ang paltok creek ay isang malalim na waterways na ang dumadaloy na tubig ay mula pa sa Montalban river na dumadaan sa Quezon City palabas ng Tullahan river sa Malabon city.

Facebook Comments