Inihahanda na ng European Union (EU) ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa laban sa Myanmar.
Dahil ito sa umano’y paglabag ng gobyerno ng Myanmar sa karapatang pantao ng nasa 700,000 Rohingya Muslims na napilitang lumikas patungong Bangladesh.
Kabilang sa mga ipapataw na sanctions ng EU ang pagpapatigil sa pagsusuplay ng armas sa Myanmar at hindi pagbibigay ng pagsasanay sa mga sundalo nito.
Ang hakbang na ito ng EU ay kasunod ng pagkondena ng international community sa ginagawang crackdown ng Myanmar laban sa mga Rohingya Muslims.
Facebook Comments