INIHAHANDA NA | Pagkuha ng alias warrant of arrest laban kay Sen. Trillanes, inaasikaso na ng DOJ

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Dept. of Justice ang pormal na kahilingan sa Makati City Regional Trial Court branch 148 para sa alias warrant of arrest laban kay Sen. Antonio Trillanes.

Kaugnay ito ng kasong kudeta laban kay Trillanes, may kinalaman sa Oakwood mutiny sa Makati City noong taong 2003.

Nilinaw din ni Guevarra na kahit makulong man ngayon si Trillanes, tuloy pa rin ang paghiling ng DOJ ng alias warrant of arrest sa Makati RTC.


Ito ay dahil iba naman aniya ang kasong kudeta ni Trillanes sa Korte, sa iba pang mga kasong kinakaharap ng Senador sa court martial.

Facebook Comments