INIHAIN | Absolute Parliamentary Immunity, iginiit ng mga senador

Manila, Philippines – Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 697 ay
iginiit ng 19 na mga senador ang kanilang absolute parliamentary immunity
na ginagarantiyahan ng konstitusyon.

Ibig sabihin, hindi sila maaring kasuhan kaugnay sa kanilang mga talumpati,
pakikipagdebate o anumang salitang binitiwan habang sila ay dumadalo sa
session.

Kabilang sa 19 na lumagda sa resolution ay sina senators


Drilon, Pangilinan, Aquino, Hontiveros, de Lima, Trillanes IV, na pwang
nasa panig ng oposisyon.

Lumagda naman sa panig ng mayorya sina senators Recto, Angara, Binay,
Ejercito, Gatchalian, Honasan, Lacson, Legarda, Pacquiao, Poe, Villanueva,
Villar, at Zubiri.

Ang paghahain sa resolution ay kasunod ng pagsasampa sa korte ng kasong
inciting to sedition laban kay senator Trillanes kaugnay sa naging
privilege nito noong October 2017.

<#m_5765586854460271217_m_4154895319943605331_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments