Manila, Philippines – Inihain ni Senador Gregorio Honasan ang Senate Bill No. 1766 na nagsusulong na itaas sa P20,000 ang kasalukuyang P5,000 na buwanang pension ng World War veterans.
Ang increase ay para lamang sa mga nabubuhay na senior veterans at hindi ito pwedeng ilipat sa sinumang miyembro ng kanilang pamilya o kanilang dependents.
Base sa panukala, kapag pumanaw na ang beterano ay babalik sa P5,000 ang pensyon na matatanggap ng kanilang maiiwang pamilya.
Sa records ng Philippine Veterans Affairs Office o PVAO ay mayroon na lamang 6,218 na nabubuhay na senior veterans ngayon.
Kapag naisabatas ang panukala ni Honasan, kukunin ang pondo nito sa kasalukuyang budget ng PVAO at sa mga susunod na taon ay ipapaloob na ito sa pambansang budget.
Facebook Comments