INIHAIN | Dating Immigration officer Al Argosino at Michael Robles, naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Naghain ng not guilty plea sa Sandiganbayan sina dating Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles kaugnay sa kaso ng katiwalian, bribery at paglabag sa PD 46 na nagbabawal sa government officials na tumanggap ng regalo o pabor.

Ang kaso ay nagugat sa pagtanggap nila Argosino at Robles ng 50 Million na suhol mula sa gambling tycoon na si Jack Lam kapalit ng kalayaan ng mahigit 1,300 na Chinese na iligal na nagtatrabaho sa pasilidad ni Lam sa Fontana.

Hindi naman kasama sa nabasang sakdal sa dalawa ang kasong plunder dahil may nakabitin pang mosyon hinggil dito.


Hindi naman nabasahan ng sakdal ang kanilang co accused na si Wally Sombero na itinuturong tagapamagitan sa nangyaring suhulan dahil naka confine ito sa VMCC mula pa noong May 16.

Inatasan naman ng korte ang doctor ng VMMC na magsumite ng report kaugnay ng kalagayan ni Sombero.

Pansamantalang itinakda ng korte ang arraignment kay Sombero sa june 8, 1:30 ng hapon kasabay ng pre trial ng kanilang mga kaso.

Facebook Comments