INIHAIN | Ilang probisyon sa TRAIN Law, ipinababasura na

Manila, Philippines – Naghain na ng panukala ang MAKABAYAN Bloc sa Kamara na layong ibasura ang ilang probisyon na nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration nd Inclusion o TRAIN Law.

Giit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi lang pag-re-review o suspensyon ang dapat na gawin sa TRAIN kundi ito ay dapat nang ibasura.

Sa House Bill 7653, ipapawalang saysay ang batas para mabawasan na ang mabigat na pasanin ng mga mahihirap na Pilipino dahil sila ang mas naaapektuhan ng TRAIN Law.


Patunay aniya dito ang hindi maramdamang 6.8% na paglago ng ekonomiya at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo dulot ng inflation.

Kabilang sa mga probisyon ng batas na ipina-re-repeal ay ang pagpapataw ng excise tax sa produktong petrolyo, excise tax sa sweetened beverages, pagalis sa seksyon ng distribution ng incremental income na 70% para sa Build Build Build at 30% para sa ibang social programs, pag-restore sa VAT exemption sa kuryente generation companies, distribution companies at electric cooperatives.

Facebook Comments