Manila, Philippines – Inihain sa kongreso ng magkapatid na sina Davao city 1st District Representative. Karlo Nograles at PBA partylist Representative. Jericho Nograles ang panukalang batas na gawing regular na lamang na empleyado ng gobyerno ang mga Barangay official.
Sa ilalim ng House bill 7393 o magna carta for barangays, bibigyan ng regular na sahod, allowances, insurance, medical at dental coverage, retirement benefits at iba pang benepisyo ang mga Barangay official gaya ng natatanggap ng mga regular government employee.
Isinulong din sa panukala na ipantay ang sweldo ng punong Barangay sa isang Municipal Councilor habang ang Sangguniang Barangay members ay dapat tumanggap ng 80 percent ng halaga.
Samantala, dapat namang tumanggap ng 75 percent ng sahod ng isang Municipal Councilor ang Sangguniang Kabataan Chairman, Barangay Secretary at Treasurer.