INIHAIN NA | Panukala para sa 14th month pay sa public at private sector, kasado na sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain na sa Kamara ang panukala para sa pagoobliga sa mga employer na magbigay ng 14th month pay sa mga empleyado, pribado man o pampublikong sektor.

Sa House Bill 8095 na inihain nila Kabayan Reps. Ron Salo at Ciriaco Calalang, itinatakda na katumbas ng isang buwang sweldo ang 14th month pay na ibibigay sa mga empleyado sa public at private sector.

Ibibigay ang 14th month pay bago ang November 30 para panggastos sa kapaskuhan.


Ayon sa mga kongresista, makakatulong ng malaki ang 14th month pay para sa iba pang gastusin ng pamilya dahil kadalasang kinakapos pa rin ang isang pamilyang nakakatanggap lang ng 13th month pay.

Sakaling maging ganap na batas, ang 14th month pay ay ibibigay sa lahat ng manggagawa, anuman ang kanilang status sa trabaho, permanente man o casual, contractual, co-terminus o naka job order lamang.

Nakasaad din sa panukala na ang mga pensyunado ng SSS at GSIS ay mabibigyan din ng 13th month at 14th month benefits.

Facebook Comments