INIHAIN | Paglikha ng isang nationwide education at awareness program ukol sa illegal drugs, isinulong ni Senator Angara

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Sonny Angara ang Senate Bill No. 311 o panukala para sa paglikha Department of Education o DepEd ng isang nationwide education and awareness program on illegal drugs.

Sa panukala ni Angara, pwede itong ipaloob sa K-to-12 curriculum o gawing isang regular at co-curricular activity sa lahat ng public elementary at high schools sa bansa.

Ang panukala ni Angara ay makaraang tutulan ng DepEd ang plano ng Philippine Drug Enforcement Agencyo PDEA na isailalim sa mandatory drug testing ang mga guro at mga mag-aaral mula grade 4.


Ikinatwiran ni Angara na kung sapat ang kaalaman ng mga batang mag-aaral tungkol sa napakasamang epekto ng droga, ay malaki ang tsansa na maililigtas sila sa posibleng pagkalulong dito hanggang sa kanilang pagtanda.

Facebook Comments