Manila, Philippines – Inihain ngayon ng Senate minority bloc ang Senate Joint Resolution No. 15 na nagsusulong na suspendehin ang dagdag buwis na ipinapataw ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law sa produktong petrolyo.
Ipinunto sa resolusyon na simula ng ipatupad ang TRAIN Law noong January 1, 2018, ay umabot na sa mahigit 10-piso ang itinaas sa presyo ng gasolina, habang 12 pesos naman itinaas sa presyo ng diesel at mahigit 14-pesos naman ang nadagdag sa halaga ng kerosene.
Layunin ng resolusyon na ibalik sa December 31, 2017 rates ang buwis na ipinapataw sa langis.
Iginiit sa resolusyon na ito ay isa sa mga solusyon sa tumataas na presyo ng bilihin o inflation rate na pumalo na ngayon sa 6.7 percent.
Umaasa ang mga minority bloc na susuporta sa kanilang paninindigan ang mayorya ng mga senador para mabawasan ang pasanin ng milyung milyong Pilipino.