Manila, Philippines – Naghain ng resolusyon sa Mababang Kapulungan ang Makabayan Bloc para ipasiyasat ang nangyaring misencounter sa pagitan ng mga sundalo at pulis sa Samar kung saan anim na police officers ang nasawi.
Iimbitahan ng Kamara ang mga matataas na opisyal ng AFP at PNP para pagpaliwanagin sa malagim na misencounter noong June25.
Batay sa mga naunang paliwanag ng mga sundalong sangkot sa misencounter, napagkamalan nilang mga NPA ang mga pulis dahil masama noon ang panahon at putikan ang mga ito.
Base naman sa pahayag ng lider ng mga pulis, sinabihan pa sila ng mga namaril sa kanilang sundalo na mayayabang sila at hinamon pang lumaban sa mga ito.
Maliban dito, hanggang ngayon ay hindi pa rin isinusurender ng mga sundalong sangkot sa misencounter ang kanilang mga baril na dapat ay isasailalim sa gun powder residue at ballistic examination.
Naniniwala ang Makabayan Bloc na kailangang silipin ito ng Kamara upang hindi mauwi sa whitewash ang naturang kaso.