Inihaing counter-affidavit ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, paiimbestigahan ng DOJ

 

Paiimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang notaryong pinanumpaan ni Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa isinumite niyang kontra-salaysay at motion to reopen investigation sa reklamong qualified human trafficking.

Hindi kasi si Guo ang personal na nag-abot ng counter-affidavit, at sa halip ay ang umano’y representative ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban at Porac na si Dennis Cunanan ang nagsumite.

Ayon kay Justice Usec. Nicholas Felix Ty, ipasisilip nila sa NBI kung may ganoong notaryo sa Korte Suprema at kung talagang humarap doon si Guo para manumpa sa kanyang mosyon at kontra-salaysay na inihain sa DOJ.


Dagdag pa ni Ty, nasa kamay na ng prosecution panel kung tatanggapin o ibabasura na ang counter-affidavit.

Humiling din ng dagdag na panahon ang Presidential Anti-Organized Crime Commission
(PAOCC) at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para makapaghain ng “reply affidavit” sa kontra-salaysay ng ibang respondents.

Facebook Comments