INIHAING DRAFT ORDINANCE NA MAYLAYONG MAIPATIGIL ANG NAGAGANAP NA ROAD ELEVATION AT DRAINAGE UPGRADE SADAGUPAN CITY, MAINIT NA TINALAKAY SA SESSION SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Mainit ang naging talakayan sa naganap na regular session ngayong araw sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan kaugnay sa pagpasa ng ordinansang may layong maipatigil ang konstruksyon ng road elevation at drainage upgrade na nagpapatuloy sa kahabaan ng Arellano St at AB Fernandez West sa Dagupan City.
Una nang nagkaroon ng motion sa pagpapasya kung ipapasa nga ba ang naturang ordinansa o hindi. Bilang resulta, nakakuha nito ng 5, 7 kung saan ang limang miyembrong kinabibilangan nina Coun. Michael Fernandez, Coun. Seen, Coun. Lino, Coun. Canto at Councilor Bugayong ay kabilang sa mga nagpahayag ng di pagsang-ayon sa pagpasa nito.
Habang sinang-ayunan ito bilang sila rin ang author ng nasabing ordinansa ng pitong konsehal sa Mayorya na kinabibilangan nina Coun. Coquia, Coun. Reyna, Coun. Alfie, Coun. Malou, Coun. Celia, Coun. Irene at Coun. Mejia.
Sa huli ay approved with objections umano ang hatol ng ordinansa, bagamat dahil ang proyekto ay mula sa National Government, ilan pang mga hakbangin ang kailangan na gawin kung magpapatuloy umano ang pagtutol o pagpatigil sa nasabing proyekto.
Samantala, kaugnay pa rin nito ay ilang mga apektadong business establishment ay hindi na umano operational ng ilang buwan dahil direktang apektado ang mga ito ng ginagawang konstruksyon.
Facebook Comments