Inihaing ethics complaint laban kay Senator Trillanes, minaliit lamang ng senador

49
FEBRUARY 06, 2013 Senator Antonio "Sonny" Trillanes answers questions from PDI team at Editor's lounge during his visit in Inquirer office, Makati City. EDWIN BACASMAS

Minaliit lamang ni Senador Antonio Trillanes IV ang ethics complaint na inihain laban sa kaniya ng isang Abelardo De Jesus.

 

Si Trillanes ay inireklamo dahil sa umano’y paglalabas nito ng maaanghang na pahayag laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ilang ulit kasing tinawag ng senador na kriminal ang Pangulo at nasa likod ng Davao Death Squad (DDS).

 

Ayon kay Trillanes, hinding-hindi niya babawiin ang kanyang mga naging pahayag dahil nanggagaling din sa bigbig ng Presidente ang mga kwento ukol sa mga naturang pagpatay.

 

Aniya, hintayin na lang ang magiging testimonya ni SPO3 Arthur Lascañas sa pagdinig sa susunod na linggo bago sabihing mali ang kaniyang mga nasabi tungkol sa Pangulo.




Senator Antonio Trillanes

Facebook Comments