Inihaing Forfeiture case laban sa 1 drug suspek, tagumpay ng war on drugs ayon sa PDEA

Kumpiyansa ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na lalo pang mapalalakas ang kanilang kampaniya kontra iligal na Droga.

Ito’y matapos magpalabas ng desisyon ang korte na bawiin ang nasa 23 Milyong Pisong mula sa 1 naarestong drug suspek na pinaniniwalaang mula sa transaksyon ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino, ang naging desisyon aniya ng Manila RTC na katigan ang inihaing civil forfieture case laban kay Genaro Taliño ng Ilocos Sur.


Magugunitang sinalakay ng mga tauhan ng PDEA at ng Pulisya ang tahahan ni Taliño sa bayan ng Tagudin sa bisa ng Search Warrant kung saan ay nakuha rito ang ilang bag ng shabu at mga deposit slip.

Dahil dito, nagtulungan ang PDEA at ang AMLC o Anti Money Laundering Council para mabawi ang naturang halaga mula sa iligal na gawain bagay na kinatigan naman ng Korte.

Marso ng taong ito nang lumagda sa 1 kasunduan ang PDEA at AMLC para marekober ang lahat ng mga pinagbentahan ng mga iligal na droga upang gamitin bilang ebidensya sa kaso laban sa mga drug suspek.

Facebook Comments