Ibinasura ng Pasay Regional Trial Court ang inihaing Habeas Corpus petition ng 100 na mga dayuhan na nahuli sa isinagawang raid ng awtoridad sa isang POGO hub sa Pasay City kamakailan.
Ito ay kinumpirma mismo ng naturang korte ngayong araw bagamat hindi na idinatelye pa kung anong ang naging dahilan ng pagkaka basura ng naturang petisyon.
Karamihan sa mga naghain ng Habeas Corpus petition ay pawang mga Malaysian at Chinese national na sangkot umano sa cyber scam at love scam.
Naniniwala ang mga ito na unlawful at hindi makatarungan ang pagkaka ditene sa kanila.
Kung maaalala, tinanggihan rin ng parehong korte ang petisyon ng 46 na una nang naghain ng Habeas Corpus noong nakaraang linggo.
Sa ngayon ay ililipat na ang mga ito sa ibang detention facility na hindi pa tinukoy ng mga awtoridad.