Inihaing impeachment complaint laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo, idadaan sa block vote

85

Manila, Philippines – Idadaan ng minorya sa Kamara sablock vote ang isyu sa inihaing impeachment complaint laban kina PangulongRodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
  Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez – angkanilang magiging botohan ay hindi katulad sa death penalty bill kung saanpinairal nila ang conscience vote.
  Pero sa ngayon, wala pa naman aniya silang malinaw naposisyon sa impeachment complaint laban kay Robredo dahil hindi pa nilanababasa ang reklamo.
  Samantala, tiniyak naman ni Oriental Mindoro Rep.Reynaldo umali na agad nilang tatapusin sa kamara ang pagtalakay sa impeachmentcomplaint laban sa pangulo.
 Aniya, sa susunod nalinggo ay agad na ire-refer ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa justice panelang nasabing reklamo.

Facebook Comments