Inihaing impeachment complaint ng Magdalo Partylist Group, sinagot ng Pangulong Duterte

25
Manila, Philippines – Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa inihaing impeachment complaint laban sa kanya ni Magdalo Rep. Gary Alejano.
 
Wala ring magiging problema aniya kung i-a-akyat ang naturang reklamo sa International Criminal Court.
 
Sa kanyang departure speech sa Davao International Airport, nilinaw ng pangulo na umiiral sa Pilipinas ang demokrasya.
 
 
Kasabay nito, itinanggi ni Pangulong Duterte na may kinalaman siya sa nilulutong impeachment laban kay Vice President Leni Robredo, dahil sa report nito sa United Nations.
 
Aniya, wala siyang kinalaman sa ‘nagaleaks’ at kung ayaw maniwala rito ni Robredo  ay hindi niya ito pipilitin.
 
Si Pangulong Duterte at ang kanyang delegasyon ay nasa Myanmar na ngayon para makipag-pulong sa mga opisyal doon at mapalakas ang bilateral relations.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments