Monday, January 19, 2026

Inihaing impeachment laban kay PBBM, iginagalang ng Malacanang; bahagi raw ng demokratikong proseso

Iginiit ng Malacañang na ang paghahain ng reklamong impeachment ay bahagi ng demokratikong proseso na itinatakda ng Konstitusyon.

Pahayag ito ng Palasyo sa impeachment complaint na inihain sa Kamara ni Atty. Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay.

Ayon sa Presidential Communications Office, iginagalang ng Palasyo ang proseso at may tiwala itong gagampanan ng Kongreso ang tungkulin nito bilang co-equal branch ng gobyerno nang tapat, may integridad, at alinsunod sa rule of law.

Nananatili naman anila ang naninindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Saligang Batas at tiwala sa katatagan ng mga institusyong demokratiko ng bansa.

Habang dumaraan sa proseso ang reklamo, magpapatuloy ang Pangulo sa pamamahala upang matiyak na hindi maaantala ang serbisyong publiko at mananatiling nakatuon ang trabaho ng gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ng Malacañang na matibay ang mga institusyon ng gobyerno, malinaw ang mga umiiral na proseso, at nananatiling committed ang administrasyon sa katatagan, pananagutan, at kapakanan ng bawat Pilipino.

Facebook Comments