Inihaing petisyon sa Comelec para kanselahin ang kandidatura ni Bongbong Marcos, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga inihaing petisyon sa Commission on Elections (Comelec) para kanselahin ang kandidatura ni dating Senator Bongbong Marcos.

Ilang sa mga ito ay ang mga taxpayer ng gobyerno.

Matatandaang sa naunang inihaing petisyon, pinakakansela ang Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos dahil hindi raw ito kwalipikadong tumakbo matapos mahatulang guilty ng Quezon City Region Trial Court sa hindi pagbabayad ng buwis at hindi paghahain ng income tax return.


Ayon sa grupo, walang bisa sa simula pa lamang ang desisyon ng Court of Appeals na nagtanggal sa parusang kulong dahil malinaw na kulong at multa ang dapat ipataw kay Marcos.

Basehan din anila ang naging hatol ng korte laban kay Marcos sa kaniyang tax case para madiskwalipika sa eleksiyon.

Samantala, tinugunan na ng kampo ni Marcos ang isyu at sinabing huwag gawing entablado ang Comelec para sa mapanlinlang na propaganda.

Facebook Comments