Inihaing referral o rekomendasyon ng ICI na masampahan ng kasong kriminal at administratibo ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan na umano’y sangkot sa flood control anomaly, tinanggap na ng Ombudsman

Tinanggap na ng Office of the Ombudsman ang referral o rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na masampahan ng kaso ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan na sinasabing sangkot sa maanomalyang flood control project ng pamahalaan.

Kasama sa mga inirekomendang sampahan ng kasong kriminal at administratibo sina:
• Senator Joel Villanueva
• Senator Jinggoy Estrada
• Dating Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co
• Dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo
• Dating Congresswoman Mary Mitzi Cajayon-Uy
• Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana

Sinabi ni dating Supreme Court Justice at ICI chairman Andres Reyes na nanguna sa paghahain ng rekomendasyon, ang kanilang hakbang ay dahil na rin sa pagtanggap ng suhol ng ilang opisyal mula sa mga contractor ng mga proyekto ng pamahalaan.

Sa kanilang imbestigasyon, aabot sa 25 hanggang 30% ang natanggap nilang kickback na maaaring lumabag sa Articles 210–212 ng Revised Penal Code (Bribery and Corruption of Public Officers).

Kasama na rin dito ang Sections 3(b) at 3(c) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at maaari ring masaklaw ng kasong plunder.

Samantala, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na agad isasalang sa preliminary investigation ang endorsement kanina ng ICI.

Facebook Comments