Manila, Philippines – Para kay Senador Panfilo Ping Lacson nagpapakita ng pagiging makabayan ang ginawa nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na pagdulog sa International Criminal Court o ICC.
Ang tinutukoy ni Lacson ay ang paghahain nina Del Rosario at Carpio ng reklamo sa ICC laban kay Chinese President Xi Jinping. Kaugnay ito sa patuloy na aktibidad ng China sa West Philippine Sea na nakakasira na umano sa kalikasan at nakakaapekto na rin sa mga Pilipinong mangingisda.
Diin ni Lacson, dapat suportahan ng mamamayang Pilipino sina Del Rosario at Morales dahil ang tagumpay nila sa ICC ay malaking suporta sa arbitral ruling na pumapanig sa pag-angkin natin sa West Philippine Sea.
Ayan kay Lacson, base sa pagtatanong at pagbabasa niya ng international laws ay mananatili ang impluwensya ng ICC sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea kahit kumalas na tayo bilang miyembro nito.