Inihaing Senate Bill ni Senate President Tito Sotto, katawa-tawa ayon kay Atty. Larry Gadon

Tinawag na katawa-tawa ni Atty. Larry Gadon ang inihaing panukala ni Senate President Tito Sotto na naglalayong bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa isang statement, sinabi ni Gadon na malinaw sa Konstitusyon na dapat manggaling sa Kamara ang anumang franchise bill.

Ani Gadon, hindi maaring gumalaw ang Senado hangga’t hindi pa nagsasagawa ng pagdinig at nagpapasa ng franchise bill ang mababang kapulungan.


Hindi rin aniya maaring gamiting dahilan ni Sotto na nawalan ng kumpetisyon sa mass media sa pagkawala ng giant network dahil insulto ito sa marami pang media organizations na naghahatid ng balita.

Dagdag ni Gadon, hindi pa nabibigyang linaw ang isyu ng land title at land ownership ng ABS-CBN.

Hindi aniya dapat isuko ng Kmara ang ganitong moral at legal issue para pagbigyan ang kagustuhan ng ilang Senador.

Facebook Comments