Manila, Philippines – Inihayag ng labor group Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na pinalaki lamang o exaggerated ang datus na mahigit 300,00 regularized endo workers na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang SONA.
Ito ang napatunayan mismo ni Alan Tanjusay, spokesperson ng ALU-TUCP.
Sinopresa mismo ni Tanjusay si Labor Secretary Silvestre Bello III nang magpakita ito sa DOLE office para i-check ang datus.
Pero, sa halip na harapin si Tanjusay, si Undersecretary Joel Maglunsod ang ipinaharap sa ALU-TUCP spokesperson.
Sa kaniyang ginawang verification sa records ng DOLE, napatunayan ni Tanjusay na 202,000 na kontraktuwal na empleyado ang tuluyang na absorbed ng ibat ibang establisyimento sa buong bansa.
Lumilitaw din na 119,000 pang Endo workers ang hindi regularized dahil sa mariing pagsalungat ng kanilang principal employers.
Magugunita na itinanggi ni Bello na binigyan niya ng maling datus ang Pangulo sa halip hinamon ang grupo na bumisita sa opisina niya para makita ang eksaktong bilang.