INIIMBESTIGAHAN | 2 inarestong Reuters journalist, sumalang muli sa ika-11 pagkakataon sa korte sa Myanmar

Myanmar – Humarap sa ika-11 pagkakataon ang dalawang reporter ng Reuters sa
korte ng Myanmar.

Tanda ito ng ika-100 araw matapos islang arestuhin noong Disyembre dahil sa
pagkuha ng mga secret at confidential government papers.

Nagsagawa ng preliminary hearings ang korte para pagdesisyunan kung
kakasuhan ng colonial-era officials secrets act sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo.


Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Myanmar government maging ang
kanilang national police dahil ongoing ang pagdinig.

Itinakda sa Marso 28 ang susunod na pagdinig.

Facebook Comments