Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine National Police kung may intelligence failure sa pananambang na naganap sa Brgy. Napolidan, Lupi, Camarines Sur kaninang umaga.
Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, maaring may nag-leak o kumalat na impormasyon na may VIP na binabantayan ang mga pulis kaya naglakas loob ang mga komunista na iparamdam ang kanilang presensya sa lugar.
Paliwanag pa ni Albayalde, baka naging kampante na ang mga pulis doon dahil bihira lang sa kanila ang insidente ng ambush lalo pa sa mga VIP.
Hindi naman masabi ni Albayalde kung si Puno talaga ang target ng pananambang dahil posibleng pang aagaw lang ng armas ang nais ng mga suspek.
Sa naganap na ambush 3 police escort ang nasawi habang 4 namang pulis ang sugatan.