INIIMBESTIGAHAN NA | Ka Tunying’s Cafe sa NAIA, ninakawan!

Manila, Philippines – Nilooban ang restaurant ng isang broadcaster sa NAIA terminal 3 kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni airport General Manager Ed Monreal.

Sa inisyal na impormasyon, ninakaw ang P50,000 na cash sa loob ng drawer ng Ka Tunying’s Cafe sa terminal 3 na pag-aari ni Anthony Taberna.


Maliban sa cash, natangay din ng mga kawatan ang laptop at mga electronic gadgets sa Ka Tunying’s.

Wala pang hawak na impormasyon sa ngayon ang airport police kung ilan o sino ang nasa likod ng pagnanakaw.

Kasunod nito pina-iimbestigahan na ni Monreal ang nasabing insidente.

Facebook Comments