Manila, Philippines – Ini-imbestigahan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung bakit lampas sa Suggested Retail Price ang bentahan ng isda sa ilang mga palengke sa Metro Manila.
Sa pag-iikot ng mga tauhan ng BFAR, nadiskubre na ilan sa mga nagtitinda ang hindi sumusunod sa SRP sa isda.
Sa halip na P140 ang bentahan ng kada kilo ng galunggong, ipinagbibili ito ng P160 haggang P190 per kilo.
Ang bangus na may SRP na 160 per kilo, mabibili sa halagang P170 hanggang P200 habang ang tilapia na dapat ay P100 lang per kilo, P120 ang presyo sa ilang palengke.
Ayon kay Agriculture Usec. Eduardo Gongona – sapat ang suplay ng mga isda kaya walang dahilan para tumaas ang presyo ng mga ito.
Aniya, pagpapaliwanagin nila ang mga tindera at iimbestigahan din ang mga trader na posibleng nagmamanipula sa presyo ng isda.
Sa Nobyembre, balak ng ahensya na gumawa ng panibagong SRP sa isda makaraang magtapos na ang tatlong buwang validity ng ginawang srp noong Hulyo.
Irerekomenda rin ni usec. gongona na ipako ang kasalukyang SRP hanggang Pebrero.