INIIMBESTIGAHAN | Sanhi sa aberya, inaalam na

Manila, Philippines – Inaalam na ng pamunuan ng Cebu Pacific ang naging sanhi ng naranasang problema sa kanilang optic fiber lines kaninang umaga dahilan kung bakit kinailangang bumagal at humaba ang pila ng pagpoproseso ng bookings kanina.

Sa official statement na inilabas ng CebuPac, as of 11:39 am, naibalik na sa normal ang fiber optic connections nito kaya’t balik na rin sa normal ang kanilang operasyon.

Humihingi naman ng paumanhin ang CebuPac sa mga naabalang pasahero at nangakong aalamin ang naging sanhi ng aberya upang hindi na ito maulit pa.


Facebook Comments