
Tiniyak ng National Bureau of investigation (NBI) na mare-recover nila ang perang idiniposito o na-withdraw na sa mga bangko ng ilang indibidwal na sangkot sa proyekto ng flood control.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago sa pamamagitan ng Anti—Money Laundering Council (AMLC) ay matutukoy dito ang sinuman sa mga subject ng imbestigasyon ng NBI.
Dagdag pa ni Santiago, may mga tao na sila sa buong rehiyon na mag-iimbestiga at kabilang sa mga lalawigan ay mula sa Mindoro at Bulacan na nakitaan ng mga ghost project at substandard na mga proyekto matapos na bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaang ipina-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bank accounts ng ilang sangkot sa kontrobersiya sa flood control projects.
Samantala, sinabi rin ng bureau na i-evaluate muna ng NBI ang sinasabi ng kampo ni Discaya tungkol sa mga opisyal na sangkot sa maanomalyang proyekto ng flood control ganoon din ang ilang congressman na nais magsampa ng kaso laban sa mga Discaya.









