INILABAS | Computerized Facial Composite ng suspek sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat, isinapubliko

Isinapubliko na ng Police Regional Office (PRO) 12 ang Computerized Facial Composite (CFC) ng suspek sa nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat noong Martes, Agosto 28.

Nabatid na tatlo ang nasawi habang higit 30 ang nasugtan sa insidente.

Ayon kay PRO-12 Spokesperson, Supt. Aldrin Gonzalez – ang lalaki ay nasa 20 hanggang 25-anyos, may tankad na 5’6’’ hanggang 5’7’’, may bigat na hanggang 60 kilo at maputi ang kutis.


Base sa imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) ‘hamungaya’, ang suspek ang nag-iwan ng improvised explosive device at ginamit ang isang cellphone bilang triggering device.

Iniwan ang IED malapit sa isang motorsiklo na naka-park sa harap ng isang establisyimento malapit sa ukay-ukay area.

Naniniwala din ang mga otoridad na hindi nag-iisa ang suspek sa pagplano sa nasambing pagpapasabog.

Facebook Comments