North Korea – Inilabas na ng North Korea ang detalye ng tuluyang pagsasara ng kanilang nuclear testing site.
Kabilang sa mga hakbang na gagawin ng North Korea ay ang pagpapasabog sa lahat ng mga lagusan at pag-aalis sa mga observation facility, reasearch buildings at security posts.
Sa May 23 o 25 itinakda ang dismantlement ceremony pero depende pa sa magiging lagay ng panahon.
papayagan ding magsagawa ng “on-the-spot coverage” ang media sa nasabing okasyon para tiyaking magiging transparent ang pagsasara sa nuclear site.
Facebook Comments