INILABAS NA | Mahigit 200 na miyembro ng simbahan sa US sangkot umano sa sexual abuse

Inilabas na ng isang law firm sa San Francisco ang listahan na naglalaman ng mga pangalan ng mga miyembro ng simbahang Katolika na sangkot sa sexual abuse at misconduct.

Bukod sa listahan ng Jeff Anderson and Associates, isang law firm na kumakatawan sa mga biktima ng pang-aabuso ng mga pari, inakusahan din ng pangungunsinti at cover-up o pagtatakip ang mga Archdiocese ng San Francisco, Oakland at San Jose ng mga pang-aabuso ng mga miyembro ng simbahan.

Nakapaloob sa 65 pahinang report ang pangalan ng 212 na mga pari at kung saan parokya sila naka-assign.


Ayon sa law firm, nais lamang nilang malaman ng publiko ang katotohanan sa pang-aabuso ng mga pari sa Bay Area at para na rin mapapanagot ang mga ito sa kanilang pagkakasala.

Facebook Comments