INILABAS NA | Mga bagong opisyal ng KBP sa 2019, kinilala na

57

Manila, Philippines – Inilabas ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang mga officers at board of directors nito para sa susunod na taon.

Hinirang bilang chairman si Herman Basbano ng Bombo Radyo at nananatiling vice chairman si Butch Canoy ng Radio Mindanao Network (RMN).

President naman si Jun Nicdao ng Manila Broadcasting Company (MBC) habang executive vice president si Noel Galvez ng Vanguard Radio Inc.

Vice president for television si Bobby Barreiro ng ABS-CBN habang vice president for radio si Francis Cardona ng Radyo Pilipino.

Nananatili bilang treasurer si Fr. Manuel Bongayan ng Radio Veritas Global Broadcasting System.

Nakatalaga naman si Lito Yabut ng Primax Radio Corporation bilang corporate secretary.

Kabilang sa mga board of directors sina: Erwin Galang ng TV5; Atom Henares ng Progressive Broadcasting Network; Albert Sicat ng University of Mindanao Broadcasting Network.

Facebook Comments