INILABAS NA | Mga pambato ng PDP-Laban sa 2019 senatorial elections, ibinunyag na

Manila, Philippines – Inilabas na ng PDP-Laban ang kanilang 2019 senatorial slate.

Bukod kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel na tatakbo muling senador, kasama rin sa listahan ang mga re-electionists na sina senators Sonny Angara, Cynthia Villar, Jv Ejercito at Nancy Binay.

Kasama rin sa listahan ang singer na si Freddie Aguilar, Special Assistant to the President Secretary Bong Go, PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, Presidential Spokesperson Harry Roque, at ang miyembro ng media na si Jiggy Manicad.


Nasa listahan rin si dating MMDA Chairman Francis Tolentino, Representative Ace Barbers, Alfredo Abelardo Bantug Benitez, Karlo Nograles, Zajid “Dong” Mangudadatu, Geraldine Roman, Rey Umali, at Pia Cayetano.

Kinokonsidera rin sina Raffy Alunan, Erwin Tulfo at kapatid nitong si Mon Tulfo.

Sinabi pa ni Pimentel na kalimitang sobra sa 12 ang nasasama sa listahan ng isang partido.

Magpapa-survey pa rin umano ang partido para mabuo ang pinal na listahan ng PDP-Laban.

Posible aniyang ma-finalize ang kanilang 12 senatorial slate pagsapit ng Agosto o Setyembre ng taong kasalukuyan.

Facebook Comments