Thursday, January 22, 2026

Inilabas na minority report, kabastusan sa Blue Ribbon Commitee ayon kay Sen. Ping Lacson

Tinawag ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na kawalan ng respeto ang inilabas na “minority report” nina Senator Rodante Marcoleta at Senator Imee Marcos tungkol sa imbestigasyon ng maanomalyang flood control projects.

Giit ni Lacson, ang ginawa ng oposisyon na paglalabas ng hindi opisyal na dokumento ay isang kabastusan sa Blue Ribbon Committee at sa buong Senado kung saan sila rin ay mga myembro.

Napagsabihan ni Lacson ang mga senador na aralin ang senate rules.

Matagal na panahon aniyang naging mambabatas ang mga ito at dapat nalalaman nila na ang proseso ng pagapruba ng committee report ay ginagawa sa plenaryo.

Maaari naman aniyang magrekomenda ng amyenda ang minorya sa tamang oras at hindi dapat pinapangunahan ang Blue Ribbon Committee.

Sa sinasabing minority report, direktang itinuturo si dating Speaker Martin Romualdez ng mga indibidwal at dating opisyal na pangunahing may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments