INILABAS NA PRICE CEILING NG BUYING PALAY NG PAMAHALAAN, TINULIGSA NG BANTAY BIGAS

Muling iginiit ng grupong Bantay Bigas na hindi sagot ang mga ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa problema ng Bigas sa Pilipinas.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, madaming pwedeng gawin upang masolusyunan ang problema sa suplay lalo na ng presyo ng Bigas.
Aniya, may mga batas na kailangan ng ibasura at programang dapat ipatupad makaagapay sa mga problema ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Hindi din aniya makatotohanan sa ngayon ang anunsyo na magiging rice sufficient ang bansa dahil hindi makikipagkasundo ng importasyon sa ibang Bansa sa loob pa ng limang taon.
Kung tutuusin aniya lampas lampas sa pangangailangan ng Bansa ang posibleng maani ng mga magsasaka kung tama lang ang nagiging pamamalakad ng ating mga opisyales. |ifmnews
Facebook Comments